Anak ng Bumbay! Pasahero, pinababa sa eroplano dahil sa sobrang bantot

Anak ng Bumbay! Pasahero, pinababa sa eroplano dahil sa sobrang bantot

July 10, 2018 @ 3:47 PM 4 years ago


May Day! May Day!

Isang eroplano ang napilitang mag-emergency landing dahil sa sobrang napakabantot na isang pasaherong lalaki na naging dahilan upang magsipagsuka at mahilo ang ilan pang sakay nito.

Ang Transavia flight na patungo sana sa Spanish holiday island ng Gran Canaria ay napilitang mag-detour at mag-emergency landing dahil sa nangyaring komosyon ng mga pasahero sa loob ng eroplano.

Sinasabing maraming pasahero ang nagreklamong nahihilo at ang ilan ay nagsipagsuka dahil sa hindi makayanang karimarimarim at napakabantot na amoy ng isang pasahero ring lalaki.

Ayon sa ulat, ang lalaki na isang Indian national ay masahol pa sa patay na daga ang amoy.

Kumalat sa buong eroplano ang kanyang amoy lalo nang nasa ere na ito.

Una pa lang ay naamoy na ng mga pasahero na mabaho ang lalaki at hindi sila nagreklamo sa pag-aakalang kakayanin nila ito.

Ngunit nang mag-take off na ang eroplano sa Schiphol Airport sa Netherlands, ilang saglit lang ay sumakit na ang tiyan, nahilo at nagsipagsuka na sa mabahong amoy ang maraming pasahero.

Agad namang kumilos ang mga staff ng Transavia service at pinakiusapan ang Indian national na mag-self-quarantine sa toilet ng Boeing 737 subalit ayaw nitong pumayag.

Katuwiran ng lalaki, nagbayad din naman siya sa eroplano at nais lang din niya mag-enjoy sa kanyang bakasyon.

Dahil parang time bomb nang sasabog ang sikmura ng maraming pasahero, napilitan ang piloto ng Transavia na mag-divert ng flight.

Nag-emergency landing ito sa Faro sa southern Portugal upang pababain ang mabahong lalaki.

Ineskortan siya palabas ng eroplano ng mga airport medical staff, isinakay sa airport bus at inilayo.

Ayon sa ulat, magdedemanda raw ang lalaki laban sa Transavia dahil mistula siyang isang terorista na pinalibutan at pinababa sa eroplano.

Ayon sa isang Belgian passenger na si Piet van Haut, inilarawan niyang “unbearable” ang amoy ng lalaki.

“It was like he hadn’t washed himself for several weeks. Several passengers got sick and had to puke.”

Kinumpirma naman ng Transavia ang ginawang emergency landing pero itinala nila sa kanilang report na “for medical reasons”.

“The aeroplane diverted because of medical reasons, but it is indeed right that he smelled quite a bit,” sabi ng Transavia spokesman.

Hindi lang ito ang unang insidente na may pinababang pasahero ang Transavia flight ngayong taon.

Noong February, isang Transavia plane mulang Dubai patungong Amsterdam ang napilitan ding mag-emergency landing sa Vienna, Australia para patalsikin palabas ng eroplano ang isang pasaherong utot nang utot na nauwi sa pakikipagsuntukan niya sa kapwa pasahero. (Nats Taboy)