Anak ng dating presidente, itinalagang ambassador sa Austria

Anak ng dating presidente, itinalagang ambassador sa Austria

November 8, 2022 @ 2:48 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Evangelina Lourdes “Luli” Arroyo, isang career diplomat, bilang ambassador ng Pilipinas sa Austria.

SiLuli Arroyo ang nag-iisang anak na babae ni dating presidente at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Kasalukuyang pending ang nominasyon ni Arroyo sa Commission on Appointments (CA).

Base sa record ng CA, ninomina si Arroyo bilang ambassador sa Austria, na may concurrent jurisdiction sa Republic of Croatia, Republic of Slovenia, at Slovak Republic at may sweldo at emoluments ng isang Chief of Mission, Class I.

Itinalaga rin ni Marcos Jr. ang beteranong mamamahayag na si Jaime FlorCruz, isang anti-Marcos activist, bilang ambassador ng Pilipinas sa Beijing. RNT/SA