Anak ni Beauty, naghanap ng kapatid, binigyan ng aso!

Anak ni Beauty, naghanap ng kapatid, binigyan ng aso!

September 12, 2022 @ 8:22 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sa maniwala kayo o sa hindi, sa halip na pagbigyan ni Beauty Gonzales ang anak na naghahanap ng baby brother o baby sister ay aso ang ibinigay niya rito.

Ayon mismo sa Kapuso actress, feeling fulfilled na raw siya kahit isa lang ang anak nila ng asawang si Norman Crisologo.

Olivia ang name ng nag-iisang anak nila ng art curator.

At sa halip ngang magbuntis siya to fulfill Olivia’s wish ay binilhan niya ito ng aso.

Pepito raw ang pinangalan niya sa pet dog.

“Eh, di may boy and girl na kami,” natatawang kuwento ni Beauty.

May dahilan naman daw why she’d rather not have another child.

‘Yun ay para raw ma-enjoy nila ni Norman ang isa’t isa. Mahilig din kasi silang bumiyahe.

Five years na raw ang kanilang pagsasama, and believe it or not, never daw silang nagkaroon ng away.

Their secret daw to a successful marriage is mutual respect.

At proud si Beauty na ianunsyo na sa kanya umuuwi ang kanyang mister.

And take note, hindi niya gamit ang apelyido ni Norman in all her legal documents.

Nabanggit niya ang ilang married celebrity couples na sa hiwalayan din ang bagsak kahit sa ilalim ng batas ay pinagbigkis sila.

Beauty simply looks at the practical side of marriage.

Basta nagkakasundo raw sila ni Norman, it’s all that matters! Ronnie Carrasco III