Anak ni Cesar Montano sa beauty queen, isinapubliko!

Anak ni Cesar Montano sa beauty queen, isinapubliko!

November 29, 2020 @ 12:00 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi na nag-alangan ang beauty queen na si Sandra Seifert, ang 2009 Miss Earth Philippines, na ipahayag sa buong mundo ang kanyang romansa kay Cesar Montano at ang bunga ng relasyong ito.

Sa kanyang Instagram post, inilabas na ni Sandra ang larawan ni Cesar at ng kanilang anak na si Coco.

Masayang-masaya sa litrato ang mag-ama habang nagtanim ng halik ang tatay sa kanyang anak.

Ayon kay Sandra, malapit na ang Pasko at mukhang ito ang pamasko niya sa kanyang sarili, kay Montano at sa publiko na naghahangad na makakuha ng impormasyon tungkol sa kanila.

May isa ring larawan na magkasama sina Sandra at Coco bilang mga modelo ng isang malaking tindahan sa Kamaynilaan.

Limang taon na si Coco kaya ang ibig sabihin ay matagal nang may ugnayan ang aktor at ang tituladang Miss Earth Philippines. Boy Villasanta


  •  
  •  
  •  

Loading...