Anak ni Cherie, spotted sa party, na-bash!

Anak ni Cherie, spotted sa party, na-bash!

August 17, 2022 @ 10:32 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Rumesbak si Bianca Rogoff sa isang netizen na pumuna sa kanyang pagdalo sa isang party gayong kamamatay lang daw ng ina.

Si Bianca, along with Raphael, ay anak ng yumaong aktres na si Cherie Gil sa dating asawang si Rony Rogoff.

Sinagot ni Bianca ang isang netizen who questioned her attendance at a party gayong dapat daw ay nagluluksa ito sa pagpanaw ng ina.

Cherie succumbed to endometrial cancer last August 5.

Hindi pinalampas ni Bianca ang netizen’s comment in her Instagram account.

She posted: “Absolutely. Life is sacred, and has to be valued and honored, and most importantly lived. If you knew her (Cherie), she will be the one to tell you to live life adventurously and joyfully.”

Dagdag pa ni Bianca, nasa sa kanya na raw ‘yon kung magluluksa siya privately or publicly.

Pero hindi raw niya obligasyong ipakita pa ‘yon sa tao.

Bukod kina Bianca at Raphael, may isa pang anak si Cherie kay Leo Martinez na si Jay.

Naiulat namin dito sa Remate Online na posibleng iuwi ang cremated remains ni Cherie sa Bukidnon kung saan naroon ang kanyang farm. Ronnie Carrasco III