Anak ni Cong Teves na umupak sa sekyu, nagbitiw bilang board member

Anak ni Cong Teves na umupak sa sekyu, nagbitiw bilang board member

March 24, 2022 @ 9:06 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Negros Oriental Board Member Kurt Matthew Teves.

Ito ay matapos masangkot sa insidente at makuhanan pa ng video na inuupakan ang isang security guard ng subdivision sa Parañaque City nitong nakaraang linggo.

Sa isa ring kinasang press conference, humingi ng paumanhin si Tevez.

“What happened was already done. I was wrong to lay my hands on him. Whatever the reasons are, I should not have hurt him. For that, I offer my sincerest apologies,” aniya.

Si Teves ay isang ex-officio member ng provincial board ng Negros Oriental at anak ni Rep. Arnulfo Teves ng ikatlong distrito ng Negros Oriental.

“This incident is entirely on me. I should face it,” aniya pa.

Handa naman ang nakababatang Teves na harapin ang kasong isasampa sa kanya. RNT