Anak ni Janet Napoles, nasa Pinas na

Anak ni Janet Napoles, nasa Pinas na

August 5, 2018 @ 9:00 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Bumalik nan g Pilipinas ang anak ng umano’y pork barrel scam mastermind na si Janet Napole, ayon sa kaniyang abogado kahapon (August 4)

Si Jeane Napoles, isa sa mga kinasuhan ng US grand jury sa kasong domestic and international money laundering, ay nakabalik na ng Maynila, umaga nitong Biyernes, ayon sa ulat ng kaniyang abogado na si Ian Encarnacion.

Read: Napoles, 5 kamag-anak, kinasuhan dahil sa pagpuslit ng $20M sa US

“Bumalik na po siya sa Pilipinas as scheduled po kahapon (Friday),” sabi ni Encarnacion.

Personal pang sinundo ng abogado ang anak ni Napoles sa airport.

Kamakailan, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na si Jeane ay umalis ng bansa noong July 27 ngunit hindi nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa pag-alis nito.

Read: Anak ni Napoles, nakalipad na sa ibang bansa

Hindi naman ito itinanggi ni Encarnacion at sinabing ang kaniyang kliyente ay pumunta ng Indonesia sa personal na dahilan at matagal na ring naka-schedule.

Kamakailan lang nang maglabas ng extradition order ang U.S. Department of Justice kay Napoles, kanyang mga anak na sina Jeane, Jo Christine at James Christopher, at kapatid na si Reynald Luy Lima at misis niya dahil sa sabwatan sa domestic at international money laundering kaugnay sa salaping pinaniniwalaang galing sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga mambabatas. Remate News Team