Anak ni Joko, bibida na!

Anak ni Joko, bibida na!

October 1, 2022 @ 1:24 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Truly, marami ang na-excite nang ibinalita ng Viva Films na gagawing pelikula ang sikat na urban legend sa high school student na si Mary Cherry Chua. Ayon sa kwento, natagpuan siyang patay sa isang exclusive school for girls sa QC. Ang sabi, pinatay at inabuso raw siya ng janitor na naghiganti dahil natanggal sa trabaho.

Hindi raw nagkaroon ng katahimikan ang kaluluwa ni Mary Cherry Chua kaya nagpapakita ito sa mga estudyante ng eskuwelahan.

FYI, ang bagets na anak ng aktor na si Joko Diaz, si Ashley, ang gaganap na bida sa pelikula. Si Abby Bautista naman ang gaganap na Mary Cherry Chua.

Si Roni Benaid ang magiging direktor ng launching movie ni Ashley. Makakasama rin ni Ashley ang kanyang amang si Joko, Alma Moreno, Lyca Gairanod, at Kokoy de Santos.

Ang kuwento ni Mary Cherry Chua ay na-publish din sa Book 2 ng True Philippine Ghost Stories.

Ang Mary Cherry Chua ang unang pelikula ni Ashley kaya tumatanaw ito ng utang na loob mula sa Viva Films.

“I’m very grateful na nabigyan po ako ng ganitong opportunity. First lead role ko po ito so it really means a lot to me.

“I am looking forward sa experience of portraying the lead character. Na makita ng mga tao ang hard work naming lahat,” sabi pa ni Ashley.

Nilinaw ni Direk Roni na walang rights na babayaran ang Viva Films.

“Walang babayarang rights dahil urban legend ang pangalan na Mary Cherry Chua. Walang nagmamay-ari sa kuwento niya dahil may iba’t ibang bersiyon ng kuwento,” sabi ni direk. JP Ignacio