Anak ni LeBron endorser na ng Nike sa edad na 18

Anak ni LeBron endorser na ng Nike sa edad na 18

October 11, 2022 @ 11:43 AM 2 months ago


LOS ANGELES — Si Bronny James, anak ng Los Angeles Lakers superstar na si LeBron James, ay isa sa limang high school at college basketball player na pumirma ng endorsement deal sa Nike.

Pinahihitulutan ang mga sa mga sports sa kolehiyo at sa antas ng high school sa dumaraming bilang ng mga estado. Pinapayagan nila ang mga atleta na kumita ng pera nang hindi nakompromiso ang kanilang eligibility.

Pumirma rin sa Nike sina JuJu Watkins, na tulad ni James ay dumadalo sa Sierra Canyon High sa San Fernando Valley sa Los Angeles; DJ Wagner mula sa Camden High sa New Jersey; Caitlan Clark ng Iowa; at Haley Jones ng Stanford.

Hindi naman isinawalat ang halaga ng mga deal at iba pang detalye.

“For as long as I can remember, Nike’s been a part of my family,” ayon sa 18-taong gulang na si James sa statement na inilabas ng Nike. “Getting a chance to team up with them and continue my family’s legacy both on the court and in the community is wild — it really means a lot to me.”

Sinabi ni James na patuloy niyang susuportahan ang LeBron James Family Foundation para matulungan ang mga komunidad na pinakamahalaga sa kanya.

Si Wagner ay anak ni Dajuan Wagner at apo ni Milt Wagner, na parehong naglaro sa NBA habang si Watkins ay isang dalawang beses na USA Basketball U17 gold medalist. Si Clark ang reigning Big Ten Player of the Year habang si Jones ang reigning Pac-12 Player of the Year.JC