Anak ni LeBron na si Bronny, nadisgrasya 

Anak ni LeBron na si Bronny, nadisgrasya 

February 26, 2021 @ 10:08 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

UNITED STATES – Inoperahan sa tuhod ang anak ni Los Angeles Lakers superstar LeBron James na si Bronny matapos magtamo ng torn meniscus sa tuhod habang lumahok sa ensayo.

Naging matagumpay naman umano ang ginawang operasyon para maisaayos ang napinsalang tuhod ng batang manlalaro na sinasabing susunod sa yapak ng kanyang amang si LeBron.

Matatandaang sinabi ni Bronny sa kanyang Twitter followers na nagtamo ito ng knee injury at kailangan siyang operahan.

Si  Bronny ay sophomore sa Sierra Canyon School na hindi pa naglalaro ng opisyal na laro ngayon season dahil sa COVID-19 pandemic pero may planong lumahok sa spring basketball season.

Hawak ng 6-foot-2 na si Bronny ang averaged na 4.1 points sa 15 minutes kada-laro noong freshman pa lamang ito para sa national power kung saan ay naglaro ito ng 34 games.

Ayon sa ulat, gumagawa si LeBron at ang partner na Maverick Carter ng docuseries sa Sierra Canyon’s 2019-20 season, “Top Class,” na pangungunahan ni Bronny at kanyang teammates. Lalabas ito ngayong Linggo sa Amazon. Rico Navarro


  •  
  •  
  •