Anak ni Madonna, muling pinagyabang ang buhok sa kili-kili!

Anak ni Madonna, muling pinagyabang ang buhok sa kili-kili!

September 20, 2021 @ 7:35 AM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

NEW YORK, USA – Talagang nakahiligan na ng anak ng Hollywood pop superstar Madonna na si Lourdes Leon, na ipagmalaki ang mga buhok n’ya sa kili-kili. At pinipili n’yang gawin ‘yon sa mga napakasosyal na events sa Amerika.

Sa MET Gala fashion show sa Metropolitan Museum of Art sa New York City nu’ng Lunes, rumampa siya para sa mga photographer sa iconic staircase ng museum at biglang itinaas ang isang braso n’ya para ipakita ang mga buhok n’ya sa kili-kili.

Natuwa naman ang upscale (sosyal!) crowd sa ginawa n’ya.

Wala ru’n ang ina n’yang superstar pero sa magaling n’yang ina “namana” ang ‘di-pag-aahit ng bahaging iyon ng kanyang katawan.

Kilalang fashion model na rin si Lourdes, 24, na ang ama ay si Carlos Leon, isang Cuban actor-personal trainer. Hindi sila kasal. May isa pang biological child si Madonna na lalake, at ang ama ay ang direktor na si Guy Ritchie. May apat na ampong anak din si Madonna.

Nu’ng November 2018, ipinakita ni Lourdes ang mga binti n’yang mabalahibo sa CFDA/Vogue Fashion Fund Gala. Ilang linggo bago ‘yon, sa catwalk sa New York Fashion Week naman n’ya ‘yon ginawa.

Earlier this year, in February, she also showed off a glimpse of armpit hair in a new fashion campaign for Marc Jacobs.

Sa MET Gala, ang suot ni Lourdes, ayon sa mga report, ay “fuschia pink two piece ensemble” na nangingintab sa beads at sequins. Disenyo ‘yon ni Jeremy Scott.

Labas ang abs ni Lourdes dahil “bikini-design halter top and matching long skirt with neat sequin embellishments and also sari-like pleats” ang kabuuan ng outfit n’ya. Danny Vibas


  •  
  •  
  •