Anak ni Napoles, nakalipad na sa ibang bansa

Anak ni Napoles, nakalipad na sa ibang bansa

August 3, 2018 @ 6:33 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Isang araw bago humiling ang US government ng extradition ng isa sa anak ng tinaguriang Pork Barrel scam Queen Janet Lim Napoles, nakalabas na ng bansa si Jeane Catherine Napoles.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, batay sa impormasyong nakuha niya mula sa Bureau of Immigration ay wala na raw sa bansa si Jeane Catherine noon pang July 27.

“Per BI records… Catherine left last July 27 the rest are still in the Philippines,” aniya.

Bukod dito, wala nang iba pang detalye na ibinigay sa kanya ang B.I. gaya ng destinasyon o bansang pinuntahan ng batang Napoles.

“Considering that an indictment has already been made in U.S. courts, the U.S. government has ways of tracking down the defendants anywhere, including tapping the assistance of the Interpol,” dagdag pa ni Guevarra.

Kamakailan lang nang maglabas ng extradition order ang U.S. Department of Justice kay Napoles, kanyang mga anak na sina Jeane, Jo Christine at James Christopher, at kapatid na si Reynald Luy Lima at misis niya dahil sa sabwatan sa domestic at international money laundering kaugnay sa salaping pinaniniwalaang galing sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga mambabatas. (Remate News Team)