Anak ni Napoles, pinauwi ng kaso sa US

Anak ni Napoles, pinauwi ng kaso sa US

August 4, 2018 @ 10:17 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Balik-Pinas na ang anak ng tinaguriang Pork Barrel Scam Queen Janet Lim-Napoles na si Jeane Catherine.

Ayon sa legal counsel nito na si Atty. Ian Encarnacion, nakauwi na kahapon, August 3 ang kanyang kliyente para harapin ang kasong dumadawit sa kanyang pangalan.

Personal na sinundo ni Encarnacion si Jeane Catherine nang siya’y dumating sa Ninoy Aquino International Airport pasado alas-tres ng madaling araw.

Una rito, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, noong July 27 umalis ng bansa ang batang Napoles o limang araw bago inirekomenda ng U.S Department of Justice ang pagsasampa ng kaso laban sa pamilya Napoles.

Kamakailan lang nang maglabas ng extradition order ang U.S. Department of Justice kay Napoles, kanyang mga anak na sina Jeane, Jo Christine at James Christopher, at kapatid na si Reynald Luy Lima at misis niya dahil sa sabwatan sa domestic at international money laundering kaugnay sa salaping pinaniniwalaang galing sa Priority Development Assistance Fund o PDAF ng mga mambabatas. (Remate News Team)