Anak ni SOJ Remulla, 3 pa naghain ng COC sa Cavite special elections

Anak ni SOJ Remulla, 3 pa naghain ng COC sa Cavite special elections

December 8, 2022 @ 9:02 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Naghain ng certificate of Candidacy (COC) ang apat na indibidwal para punan ang nabakanteng pwesto ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa gagawing special election sa ika-pitong distrito ng Cavite.

Kinilala ni Comelec spokesman Rex Laudiangco ang mga naghain ng COC noong December 5 hanggang 6 sina Jose Angelito Domingo Aguinaldo, Melencio Loyola De Sagun, Jr., Michael Angelo Bautista Santos na parehong mga independent, at Crispin Diego Diaz Remulla ng National Unity Party at anak ni SOJ Remulla.

“All registered voters from the Municipalities of Amadeo, Indang and Tanza, and the City of Trece Martires, will be participating in this electoral exercise, which is being held by reason of the existence of vacancy of the post of Representative for the said Legislative District as certified by the House of Representatives in its House Resolution No. 100 dated 27 July 2022,” saad ni Laudiangco sa isang pahayag.

Ayon kay Laudiangco, gagawin ang voting, counting at canvassing sa pamamagitan ng automated elections system gamit ang vote-counting machine (VCM) at ang the consolidation and canvassing system (CCS).

Sinabi pa ni Laudiangco na sinuspinde rin ang voters registration sa 7th District ng Cavite mula Nobyembre 25, 2022 hanggang Pebrero 24, 2023.

Ang special elections sa 7th Congressional District ng Cavite ay gaganapin sa Pebrero 25, 2023. Jocelyn Tabangcura-Domenden