Anak ni Valerie, may sama ng loob sa tatay!

Anak ni Valerie, may sama ng loob sa tatay!

August 11, 2022 @ 8:21 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Walang problema at okey lang kay Valerie Concepcion kahit nasa LDR (long distrance relationship) sila ni Francis, ang kanyang partner na naka-base at nagtatrabaho sa Guam. Hindi naman kasi sila nawawalan ng communication. From time to time ay nagtatawagan silang dalawa. At nagpupunta rin ng Guam ang maganda at sexy pa ring aktres.

Si Francis ay nagagawa rin namang bisitahin si Valerie sa ‘Pinas.

Sinusubukan na rin naman nina Valerie at Francis na magkaanak pero hindi pa ‘yun nangyayari.

“We’re trying naman po na magka-baby na ulit since last year, pero wala pa, hindi pa nabibiyayaan. Kung kelan na lang po darating,” sabi ni Valerie nang makausap namin.

FYI ay may isa nang anak si Valerie, si Heather Fiona, at si Francis ay may isa na ring anak sa dating nakarelasyon, na isa ring babae.

Natutuwa si Valerie na hindi man tunay na mag-ama sina Fiona at Francis ay close ang dalawa.

“Super okey silang dalawa. Nakakatuwa, nu’ng una si Heather, naiilang pa siyang tawaging papa si Francis. Pero ngayon, tanggap na tanggap niya na, na papa niya si Francis.

“Pati si Francis lagi siyang ‘O ano, kamusta na ‘yung anak natin?’ Ganyan na siya magsalita,”

Ang tunay na ama ni Heather ay hindi pa nito nakikita at nakikilala. Kaya nalulungkot si Valerie.

“Hanggang ngayon hindi pa rin nami-meet ng daughter ko ‘yung biological father niya. And she’s turnong 18  ha? Debut niya na sa October,.

“Noong 13th birthday ng anak ko, sabi niya, ‘Ma ready na akong makilala si Papa.’

“So nu’ng sinabi niya na ready na siya, nag-message ako roon sa dad.

“Five years later, wala namang reply. Hindi ko alam kung nag-seen siya.”

Dahil dedma nga ang tunay na ama ay sumama ang loob dito ni Heather.

“Ngayon, imbes na hindi siya galit, parang napi-feel ko na medyo may sama siya ng loob.

“Kasi nu’ng sinabi ko na ‘O, 18th birthday mo na, i-invite ba natin ‘yung papa mo?’ Ang sabi niya, ‘si Papa Francis?’

“Hindi! ‘Yung totoo mong Papa.”

“‘Ba’t natin siya i-invite?’ May ganoon na siya,” aniya pa. Rommel Placente