Anak nilason ng ina para makahingi ng donasyon

Anak nilason ng ina para makahingi ng donasyon

September 19, 2022 @ 6:39 PM 2 weeks ago


THAILAND – Sinentensyahan ng kamatayan ang isang ina makaraang lasunin ang anak para makahingi ng donasyon sa social media.

Ang inang suspek ay kinilalang si Nattiwan Rakkunjet, tinaguriang “bleach mum” na napag-alamang sadyang nilason ang dalawang anak para gamitin ang larawan ng mga ito at makahingi ng donasyon sa social media.

Ayon sa mga doktor sa Thammasat University Hospital, ang dalawang bata ay nagtamo ng pagdurugo sa digestive tract, nagsuka rin ng dugo at namaga pa ang bituka.

Napag-alaman ng mga otoridad na naulit pa ito ng makailang beses hanggang sa tuluyang namatay ang anak na babae nito noong 2019.

Ang batang lalaki naman ay nilason ulit isang taon makalipas ang pagkamatay ng batang babae.

Sa kabuoan ng modus ng ina ay nakakolekta ito ng 20 million baht o 54,000USD na narekober sa dalawa niyang bank account na pinaniniwalaang mga donasyong natanggap nito dahil sa panlalason sa dalawang anak. RNT/JGC