Anak pabalang sumagot, binaril ng ama

Anak pabalang sumagot, binaril ng ama

July 7, 2021 @ 1:39 PM 1 year ago


TUAO CAGAYAN-KRITIKAL sa ospital ang isang makaraan barilin ng sariling ama dahil sa umanoy pabalang na sagot, iniulat kahapon sa lungsod na ito.

Isinailalim sa operasyon sa isang ospital sa Tuguegarao City  ang biktima na kinilalang si Ferdinand Gammayao, 25, habang nadakip naman ang suspek at ama nitong si Genaro Gammayao, kapwa residente sa Brgy. Alabiao, Tuao, Cagayan.

Ayon kay PLT Bernard Guya ng PNP Tuao, bandang 10:45 PM ng Sabado naganap ang insidente sa loob ng tahanan ng mag-amang Gammayao.

Lumabas sa imbestigasyon, umuwing lasing ang suspek sa kanilang bahay ay kinompronta ang anak (biktima) kung napakain na nito ang mga alaga nitong hayop.

Sinagot umano ng pabalang ng biktima ang ama na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang sa pagbabarilin  ng matandang Gammayao ang kanyang anak sa iba’t ibang parte ng katawan gamit ang 45 kalibre na armas.

Agad naman isinugod sa district hospital ang biktima pero kalaunan.

Sa pagresponde ng mga pulis sa lugar ng pinangyarihan ng insidente nadakip ang suspek at mula rito ay nakuha ang .5 kalibre na ginamit sa pamamaril.

Nahaharap ngayon sa Kasong Frustrated Parricide at Paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek./Mary Anne Sapico