Anak patay sa taga ng ama

Anak patay sa taga ng ama

June 20, 2022 @ 2:22 PM 7 days ago


NEGROS OCCIDENTAL- Hindi inakala ng isang lalaki na gaganti na ang pagtaga nito sa kanyang ama ang magiging dahilan ng kanyang kamatayan matapos siyang gantihan ng ama nitong Sabado sa bayan ng Calatrava.

Kinilala ang nasawi na si Carlito Bini, 42-anyos, habang ang suspek at ama nito ay kinilalang si Rebico Bini, 65-anyos, kapwa residente sa Sitio Hakpan, Brgy, Maaslob, Calatrava, Negros Occidental.

Ayon kay Police Major Lumyaen Lidawan, hepe ng Calatrava Municipal Police Station, Sabado ng umaga naganap ang insidente sa labas ng bahay ng mag-amang Bini.

Lumabas sa imbestigasyon, matagal ng may samaan ng loob ng mag-ama dahil sa lupa.

Bago ang insidente, nagpuputol ng kahoy ang matandang Bini ng lapitan siya ng anak at komprontahin na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dito, kumuha ng itak ang batang Bini at tinaga ang ama sa kamay. Gumanti naman ang ama at tinaga ang anak na tinamaan sa paa.

Nakita naman ng kanilang kaanak ang pangyayari at dinala ang mga ito sa ospital para lapatan ng lunas subalit dineklara na rin patay ng umatending doktor si Carlito dahil naubusan na ito ng dugo .

Depensa ng ama hindi niya intensyon na patayin ang anak at sa paa lamang ito ng tinamaan dahil sa malayo ang ospital sa kanilang bahay naubusan na ito ng dugo bago dumating sa pagamutan.

Kasalukuyan naman nakakulong sa lock-up cell ng Calatrava Municipal Police Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. Mary Anne Sapico