Anak Silat Pendekar Team Cavite humakot ng 14 medalya sa Ilocos martial arts tourney

Anak Silat Pendekar Team Cavite humakot ng 14 medalya sa Ilocos martial arts tourney

October 18, 2022 @ 1:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Humakot ng 14 na medalya, tampok ang pitong ginto, ang Anak Silat Pendekar Team Cavite na pinamumununa nina Team Manager Felix Perez-Torres at instructor Nadzkie Asmad sa katatapos na 1st Ilocos Martial Arts Tournament sa Santo Domingo Sports Complex sa Ilocos Sur.

Nakopo nina Denji Chaze Burayag at Janica Pormanes ang tig-dalawang gintong medalya, habang pumitas ng tig-sa sina Khateleen Vyone Chua, Seth Ezeker Ellorinco, at Bella Emrich Merle sa kani-kanilang age-group class.

Ang iba pang medalists ay sina Moh. Al-zhemier Jajurie na may dalawang silver, Rhey Jude Pantaleon, Andreo Riman at Ellorico, habang bronze winner sina Arvin Maata and Chua. Nakalpk ang koponan sa torneo mula sa suporta nina Tanza Mayor Yuri Pacumio at Cavite Governor Jonvic Remulla.RICO NAVARRO