Anakalusugan party-list nominee pumanaw

Anakalusugan party-list nominee pumanaw

May 5, 2022 @ 2:05 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumanaw na sa edad na 56 si Anakalusugan Party-list nominee Regina Reyes Mandanas, ang asawa  ni Batangas Governor Hermilando Mandanas.

Ang pagpanaw ni Mandanas na dating congresswoman ay inanunsyo ng kanyang pamilya sa isang Facebook post.

“We ask for prayers for the repose of the soul of Anakalusugan #51 Partylist nominee and former Congresswoman, Atty. Regina Reyes Mandanas, we sought prayers and encouraged the public to support her cause through the party-list”nakasaad sa post.

Ayon sa Batangas Public Information Office na nagkaroon ng infection sa kanyang paa si Mandanas at sumailalim sa isang operasyon, hindi naman malinaw kung ito ang sanhi ng kanyang pagpanaw.

Walang ibang detalye na ipinalabas ang pamilya.

Sinabi ng Batangas PIO na si Mandanas na mas kilala bilang Ate Gina ay aktibong bahagi ng pamilya ng Kapitolyo ng Batangas, kaslaukuyan itong Pangulo ng Samahanag Batagueña at Provincial Women’s Coordinating Council. Gail Mendoza