Analyst nagbabala: MIF magreresulta ng ‘intergenerational debt’

Analyst nagbabala: MIF magreresulta ng ‘intergenerational debt’

February 16, 2023 @ 8:10 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – NAGBABALA ang isang economic analyst na maaaring pasanin ng “future generations” ang utang dahil sa kontrobersiyal na Maharlika Investment Fund (MIF) bunsod ng “problematic” funding source nito.

“The MIF will likely produce intergenerational debt, rather than intergenerational wealth,” ayon kay Foundation for Economic Freedom president Calixto Chikiamco sa Senate hearing.

Ani Chikiamco, ang seed funding ay hindi dapat na manggagaling mula sa government financial institutions (GIFs) dahil maaaari nitong ilagay sa panganib ang banking system.

Sa ilalim ng batas, Maharlika Investment Corp., siyang mamamahala ng MIF, ay makakakuha ng initial capital nito mula sa Landbank (₱50 billion) at Development Bank of the Philippines (₱25 billion).

Iyon nga lamang aniya, hindi malinaw kung ang investments ng Landbank at DBP ay gagarantiyahan ng pamahalaan.

Sakali naman aniya at garantiyahan ng gobyerno ang nasabing investments, sinabi ni Chikiamco na “a giant moral hazard” ay maaaring malikha kapag ang partido ay protektado mula sa potential consequences.

“This would “incentivize parties to be reckless,” ang babala ni Chikiamco.

“The move, in turn, would make the Philippines vulnerable to financial crises,” dagdag na pahayag ni Chikiamco .

Nagtataglay din aniya ito ng “enormous fiscal and other risks,” kabilang na ang mataas na borrowing costs.

“Instead of increasing the funds available to the government, ang mangyari ay kabaligtaran, it may lead to increased borrowing costs for the government,” ani Chikiamco.

Gayunman, kung hindi naman sila gagarantiyahan ng pamahalaan, maaaring itaas ng Landbank at DBP ang “systemic risk” sa sektor.

“The reduction in the MIF’s value would translate to losses to the two banks,” ang wika ni Chikiamco.

“It will become wobbly, the market will perceive that and create contagion and financial panic,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, binanggit ni Chikiamco ang isyu ukol sa “malaking” opportunity cost kung saan ang perang mapupunta sa pautang sa mga magsasaka ay ida-divert sa investment fund.

Nilinaw ni Chikiamco na hindi nila kinokontra ang sovereign wealth fund, subalit ang GFIs ay dapat alisin bilang funding sources.

“I think there might be other sources of funds for the government which could initially fund it, like privatization proceeds,” anito sabay sabing. “It has time to raise the funds.” Kris Jose