Ancajas atat na sa laban sa Vegas

Ancajas atat na sa laban sa Vegas

January 27, 2022 @ 5:42 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Sabik na umano si IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas para sa unang laban nito sa Las Vegas.

Dedepensahan ni Ancajas ang kanyang titulo kontra kay dating Olympian at undefeated Argentinian boxer Fernando Daniel Martinez.

Sisipa ang sagupaan ng dalawa sa Pebrero 26 sa Las Vegas, Nevada.

Matatandaang hindi natuloy ang laban ni Ancajas kay WBO junior bantamweight king Kazuto Ioka noong New Year’s Eve sa Japan dahil sa pagtaas na kaso ng COVID-19.

Hawak ni Ancajas ang record na 33 panalo isang talo at dalawang draw na mayroong 22 knockouts kung saan noon pang 2016 hawak nito ang titulo.

Si Martinez ay may record na 13 panalo at wala pang talo kung saan 13 dito ay sa pamamagitan ng KO.JC