Ancajas atras na sa rematch; delikado kay Martinez

Ancajas atras na sa rematch; delikado kay Martinez

March 1, 2022 @ 1:17 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Hindi gagamitin ng dating IBF world super flyweight world champion na si Jerwin Ancajas ang rematch clause sa kanyang kontrata at aangat na lang umano ito ng timbang kasunod ng kanyang bigong title defense laban kay Fernando Martinez.

Si Ancajas, 30, ay natalo via unanimous decision laban kay Martinez nitong nakaraang weekend sa Cosmopolitan ng Las Vegas, USA.

Ayon sa prizefighter, pinatunayan ng laban na oras na para umakyat sa weight class dahil hindi na kaya ng kanyang katawan ang pagbabawas ng timbang.

“Hindi ako pupunta para sa isang rematch. Nakita kong paparating ang mga suntok niya, alam ko na ang dapat kong gawin pero hindi tumutugon ang katawan ko. Bumigat ang pakiramdam ko at wala doon ang reflexes ko. I need to move up in weight for my next fight,” ani Ancajas.

Mahigit isang libong suntok ang pinakawalan ni Martinez at mahigit 400 sa kanila ang solidong tumama kay Ancajas.

Inako ng trainer at manager ni Ancajas na si Joven Jimenez ang sisi sa naging pangit na performance ng Pinoy fighter, na binanggit na muntik na siyang maghagis ng towel at pumasok upang ihinto ang paligsahan sa mga susunod na round.

“Nang makita ko si Jerwin na paulit-ulit na tinamaan mula round 9 pataas naisip kong itigil ang laban,” sabi ni Jimenez.

“Kasalanan ko lahat. Ako ang may kasalanan nito dahil nahirapan kami sa pagkukundisyon niya pagkatapos naming ma-reschedule ang laban. Uuwi na tayo at baka dumistansya ako kay Jerwin ng kaunti dahil dito.”

Nang tanungin kung aakyat siya sa 118 o 122, sinabi ni Ancajas na sasangguni siya sa kanyang mga handler upang makita kung ano ang susunod na pinakamahusay na hakbang para sa kanyang karera sa boksing.Rico Navarro