Ancajas delikado kay Rodriguez

Ancajas delikado kay Rodriguez

March 14, 2021 @ 8:36 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Muling dedepensahan ni IBF world super flyweight champion Jerwin Ancajas sa ikasiyam na pagkakataon ang kanyang hawak na korona sa laban nito kay Jonathan Javier Rodriguez ng Mexico sa Abril 10 sa Uncasville, Connecticut.

Nilinaw ng manager ni Ancajas na gagawin ang laban na walang fans na papasukin sa venue bilang pag-iingat sa COVID-19 pandemic.

Matatandaang huling tumapak sa ring si Ancajas (32-1-2, 22KOs) noong Disyembre 2019 nang talunin nito si Miguel Gonzalez sa pamamagitan ng sixth-round technical knockout.

Hawak ni Rodriguez ang impresibong pro-record na 22-1 na may 16 knockouts.

Huli itong sumagupa sa boxing noong Disyembre kontra kay Julian Yedras kung saan nagwagi ito via round one knockout. Rico Navarro