Ancajas excited na muling lumaban sa PH

Ancajas excited na muling lumaban sa PH

November 9, 2022 @ 2:13 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inaasahang ng dating junior bantamweight champion na si Jerwin Ancajas na muling lumaban sa Pilipinas sa kanyang pagbabalik sa Pebrero sa susunod na taon.

Si Ancajas, na natalo sa kanyang pagtatangka na bawiin ang IBF junior bantam strap mula kay Fernando Martinez, ay nakatakdang lumaban bilang ganap na bantamweight kontra sa hindi pa masasabing kalaban.

“Pagsisikapan ko ulit. Sa 118, maraming magandang laban,” ani Ancajas.

Ikinatuwa ni Ancajas ang pagkakataong lumaban sa harap ng maraming tao, isang bagay na hindi niya nagawa mula noong 2016 nang agawin niya ang titulo ng IBF 115-pound mula kay McJoe Arroyo ng Puerto Rico sa Taguig City.

“Isa ‘yan sa nagpapa-excite sa akin,” wika nito.

Sinabi ng kanyang coach-manager na si Joven Jimenez na umaasa silang makalaban ito sa pinakamahusay sa bantamweight class kung saan maraming pagpipilian.

“Yung 118 (pounds) ang napili namin kasi mas maraming opportunities. And baka one or two fights lang, title fight na. ‘Yan ang pangako ni Sir Sean (Gibbons of MP Promotions),” ani Jimenez.

“Wala pang kalaban pero first week of February. MP Promotions pa rin. Siguro Mexicano and dito sa Pilipinas ang laban,” he added.JC