Ancajas maagang pumunta sa Vegas

Ancajas maagang pumunta sa Vegas

February 2, 2022 @ 2:18 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Maagang pumunta si IBF junior bantamweight champion Jerwin Ancajas kasama ang kanyang team sa Las Vegas mula Los Angeles upang agad simulan ang huling yugto ng kanyang pagsasanay sa nakatakda nitong title defense ngayong buwan.

Ayon sa ulat, kasama ni Ancajas sa biyahe ang kanyang manager-coach na si Joven Jimenez, junior featherweight na si Jeo Santisima at dating boksingero, ngayon ay coach Michael Domingo.

Kasama rin si WBO intercontinental bantamweight champion Jonas Sultan, na dumating kamakailan sa US para tulungan si Ancajas sa kanyang pagsasanay para sa kanyang title defense laban kay Fernando Martinez ng Argentina.

Magsisilbing isa sa mga pangunahing sparmate ni Ancajas si Sultan.

Si Ancajas ay nagsasanay sa Los Angeles at ngayon ay nasa “93 percent” form, ayon kay Jimenez.

Ito ang unang pagkakataon na lalaban si Ancajas sa Las Vegas, na kilala bilang boxing capital sa mundo.

Sasagupain sana ni Ancajas si WBO champion Kazuto Ioka sa Japan noong Bisperas ng Bagong Taon ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

“Excited si Jerwin sa Vegas. Napaganda pa ang binigay ng panginoon na oportunidad,” ani Jimenez.JC