Ancajas reresbak kay Martinez sa October 8

Ancajas reresbak kay Martinez sa October 8

August 4, 2022 @ 1:47 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Kasado na ang rematch sa pagitan nina dating world champion Jerwin Ancajas at Fernando Martinez at itinakda ito sa October 8, ayon sa ulat.

Atat na umano si Ancajas na mabawi ang kanyang IBF junior bantamweight crown na naagaw sa kanya ni Martinez.

Gaganapin ang laban sa Los Angeles.

Matatandaang binugbog ng Argentinian  ang nauupos na si Ancajas dahil sa hirap sa paghabol sa kanyang timbang sa laban nila noong Pebrero.

Nagawa namang lusutan ni Ancajas ang laban pero natalo ito via unanimous decision.

Sa kabila ng pagkatalo, ninais ni Ancajas na manatili sa junior bantamweight class para bumawi at magkaroon ulit ng isang pang-pagkatataong mabawi ang kanyang dating hawak na titulo.

Kinumpirma naman ng trainer  nito na si Joven Jimenez noong Mayo na nagdesisyon si Ancajas na gamitin ang kanyang rematch clause ilang buwan matapos matanggalan ng titulo.

“Humiling talaga si Jerwin ng rematch,” ani Jimenez. “At ’yan din ang sinabi ni Jerwin kaya pumayag ako.”JC