Ancajas siguradong makababawi kay Martinez – Bornea

Ancajas siguradong makababawi kay Martinez – Bornea

October 5, 2022 @ 3:18 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kumbinsdio si Filipino contender Jade Bornea na naging ugat ng pagkatalo ni Jerwin Ancajas sa una niyang laban kontra kay Fernando Martinez noong Pebrero ang kanyang kundisyon.

Si Ancajas, 33-2-2 na may 22 knockouts bilang pro, ay natalo at naagawan ng world title via unanimous decision noong Pebrero.

Muli niyang haharapin ang Argentinian sa isang rematch sa Oktubre 9 (PH time) sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California.

“Sa tingin ko ang conditioning ang pagkakaiba. Sabay kaming nag-train at nag-sparring sa Wild Card Gym na binibigay niya ang lahat. Ready na siya, pero hindi one hundred percent ang conditioning niya sa [fight] day,” ani Bornea.

Kasalukuyang nakaranggo si Bornea bilang No. 1 contender sa IBF 115-pound world title at alam niya kung gaano kahusay si Ancajas kapag nasa tip-top shape.

Ayon sa Filipino pug, si Ancajas ay maaaring umakyat sa dalawang weight classes at maging kasing epektibo kung hindi mas mahusay.

“Malaki talaga siya at magaling magpatimbang pero hindi gumagaling ang katawan niya pagkatapos ng weigh-in kaya naman nangyari sa kanya iyon. He could move up to 118 or 122 pounds kasi very skilled siya at may height,” dagdag ni Bornea.RICO NAVARRO