Andi at Phil, walang paramdam sa kaarawan ni Jaclyn!

Andi at Phil, walang paramdam sa kaarawan ni Jaclyn!

November 3, 2022 @ 10:55 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi itinago ni Jaclyn Jose ang kanyang hinampo sa magkarelasyong Andi Eigenmann at Phil Alipayo nang hindi siya maalalang batiin sa kanyang kaarawan.

Jaclyn turned 58 nitong October 21 pero nito lang November 1 in-upload sa Instagram ang meal date nila ng anak na si Gwen Ilagan.

May litrato rin ang aktres with two birthday cakes.

Ani Jaclyn, kumpleto sana ang selebrasyong tinawag niyang “one for the books” kung binati siya ni Andi.

Post pa niya, “Si Phil, di rin bumati. You’re the father of my grandchildren. Pero okey lang, no big deal.”

Binura man niya ito pagkatapos ay nakunan na ito ng screenshot ng ilang netizens.

Pero touched siya sa apong si Ellie dahil nakuha nitong batiin siya sa Facetime.

Si Ellie ang panganay na anak ni Andi with Jake Ejercito.

As if to console herself, inisip na lang ni Jaclyn na baka busy ang magnobyong Andi at Phil na nasa Siargao.

Recently, nagwagi si Phil sa Siargao International Surfing Cup, kung saan todo pasasalamat ito sa nobya.

Marami namang netizens ang naka-relate sa sentimyento ni Jaclyn na simpleng bati lang ay hindi pa nagawa ng anak.

In fairness. Ronnie Carrasco III