Andi Eigenmann, bibida muli sa bagong movie na “The Maid in London”

Andi Eigenmann, bibida muli sa bagong movie na “The Maid in London”

June 24, 2018 @ 3:39 PM 4 years ago


Magbabalik na sa showbiz ang aktres na si Andi Eigenmann at bibida na muli sa bagong movie na “The Maid in London.”

Nilinaw naman ng aktres na hindi niya naman daw tinatalikuran ang showbiz kundi nagiging mapili lang daw talaga siya sa mga gagawin niyang proyekto.

“Just wanting to give myself another chance like to ‘do me’ and I said ‘I wanted to quit and get out of the showbiz life’ but it didn’t [mean] quit the life of an actor,” sabi pa ni Andi.

Kasama ni Andi ang aktor na si Matt Evans kung saan si Andi ay gaganap bilang isang overseas Filipino worker (OFW).

Ang romantic-comedy na ito ay ang unang pagkakataon na magtatambal ang dalawang artista.

Ang kuwento ay iikot sa istorya ni Margo (Andi) na aalis ng bansa papuntang London bilang isang domestic helper. Haharapin niya ang mga hamon ng buhay bilang isang illegal alien na patuloy na nagtatago sa mga otoridad para lang makatulong sa kaniyang pamilyang naiwan sa bansa.

Kabilang naman sa mga cast ng pelikula ay sina Polo Ravales, Alexis Navarro, Joshua de Guzman, Janice Jurado, Rina Reyes, Tere Gonzales, Richard Manabat at Jun Nayra.

Ang “The Maid in London” ay ipapalabas na mga sinehan simula July 4 sa direksyon ni Danni Ugali. (Remate News Team)