Andi Eigenmann, ipinakilala na sa IG ang rumored BF?

Andi Eigenmann, ipinakilala na sa IG ang rumored BF?

October 10, 2018 @ 5:29 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tila ipinakikilala na ng aktres na si Andi Eigenmann ang nagpapasaya sa kanya sa Baler.

Usap-usapan ngayon ang post sa Instagram ni Andi kasama ang isang matipunong lalaki na may IG account name na “Chepoxz”.

May kalakip itong caption na ”Grateful for you because konti na lang may abs na rin ako”.

Ang naturang lalaki ay ang kanyang rumored boyfriend na si Philmar Alipayo na batay sa kaniyang IG ay isang atleta at professional surfer.

Matatandaang may kumalat na rin na litrato na magkasama ang dalawa ilang linggo na ang nakalilipas.

Kabilang dito ang larawan nilang magkahawak-kamay habang naglalakad sa may karagatan.

Simpleng caption ni Andi, “Bye for now paradise” na naka-tag din kay Philmar.

Halos ganito rin ang larawang ipinost ni Philmar sa kanyang Instagram Story na may caption na “Safe flight. Amping kaw sanan kita rata pohon” (“Ingat ka sana magkita tayo agad”). (Remate News Team)