Sa Baler, Quezon na pala naninirahan si Andie Eigenmann. Enjoy na enjoy raw kasi siya sa simpleng buhay sa probinsya, lalo na sa lugar na malapit sa dagat, lalo pa’t napakahilig n’ya ngayon sa surfing
Ibinenta na raw n’ya lahat ng bagay na sa buhay syudad lang naman talagang kailangan, gaya ng kotse at mamahaling damit.
Bumili siya ng lote at nakapagpagawa na raw siya ng simpleng bahay ru’n.
Kasama n’ya ru’n ang anak nila ni Jake Ejercito na si Ellie na mas malaya na n’yang isini-share sa ama nito. Sa piling nga ng ama n’ya nag-celebrate ng birthday ang batang babae.
Break na raw si Andie sa boyfriend n’yang si Emil Arambulo na siyang nag-impluwensya sa kanya na maging mahilig sa surfing. Wala raw siyang boyfriend ngayon pero masaya siya at kuntento sa buhay just the same.
At parang mananatili na lang silang friends ni Jake at magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.
Sana makaengganyo sa madla ang pasya ni Ellie na tumira sa probinsya. Luluwag ang mga syudad sa Metro Manila, pati na ang traffic at ang pollution kung mababawasan nang malaki ang populasyon sa Metro Manila.
Okey na okey din ang pasya ni Andie na huwag na muna magka-boyfriend. Masaya at maginhawa rin naman ang buhay na walang romantic-sexual attachment.
- SHOWBYTES ni DANNY VIBAS