Andi Eigenmann, single na!

Andi Eigenmann, single na!

July 3, 2018 @ 7:33 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Kinumpirma ng aktres na si Andi Eigenmann na ang kaniyang relasyon kay Emilio Arambulo, boyfriend ng aktres ng dalawang taon, ay tuluyan ng nagtapos.

Sinabi ito ng aktres sa isang panayam habang pinag-uusapan ang kaniyang upcoming movie na “The Maid in London.”

Nang tanungin ang aktres kung paano nag-react ang kaniyang “partner” sa movie, inakala ni Andi na ang tinutukoy ng reporters ay ang kaniyang anak, Ellie, ngunit nagulat ang lahat sa sagot ng Aktor.

“I don’t have a partner. I’m single right now… Happily single—yes, by choice,” sabi ng aktres.

Kumpirmadong ang kanilang relasyon ay nagtapos na.

Una nang inilabas sa publiko ni Andi ang kaniyang relasyon kay Emilio noong 2017 kasunod ng kaniyang pagbabahagi ng kanilang mga sweet photos sa social media noong 2016.

Samantala, sinabi naman ng aktres na siya at ng kaniyang ex-boyfriend na si Jake Ejercito ay maayos na pinapalaki ang kanilang anak na si Ellie.

“I feel like Jake and I are a good team. Parangwe’re not a good couple. But as co-parents, feeling ko unconciously it’s working so well for us. Kasi I mean, I feel Ellie is so lucky that she gets both worlds,” sabi pa ng aktres.

Si Andi ay napabalitang naninirahan na ng tahimik sa sa Baler, Aurora. (Remate News Team)