Andi, ginunita ang alaala ng tyahin!!

Andi, ginunita ang alaala ng tyahin!!

August 7, 2022 @ 9:26 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa ilang hindi nakakaalam, tiyahin ni Andi Eigenmann ang namayapang aktres na si Cherie Gil.

Ang ama ni Andi na pumanaw na rin na si Mark Gil ay kapatid ni Cherie, christened Evangeline Rose Eigenmann.

Inalala ni Andi ang masasayang araw nila ng tiyahin by reposting series of photos na nauna nang ipinost ng kapatid.

Dinagdagan na lang ito ng ilang larawan ni Andi as she looked back at her childhood with fondness.

Aniya, ang kanyang Tita Cherie raw ang nagbigay ng inspirasyon sa kanya “to be true to my authentic self.”

Sinariwa rin ni Andi ang mga panahong kasama niya si Cherie in most if not all of her life’s milestones.

Kabilang dito ang unang tapak daw ni Andi sa Siargao na inilarawan niya bilang magical island.

Samantala, iniulat ni Cristy Fermin na tatlong tumor pala sa utak ang tumubo kay Cherie.

Una raw itong nag-manifest sa kanyang likod, na noong ipina-biopsy ay cancerous.

Natuklasang nagsimula ito sa kanyang uterus.

Sa tatlong tumor sa utak ay isa lang daw ang nakuha ng mga nagsagawa ng operasyon sa kanya.

Ang anak ni Cherie kay Leo Martinez ang isa sa mga huling nakasama ng aktres hanggang sa kanyang pagpanaw. Ronnie Carrasco III