Andi, naloloka sa 3 anak!

Andi, naloloka sa 3 anak!

June 1, 2022 @ 1:36 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Natural lang na magkaroon ng mommy’s woes si Andi Eigenmann.

Sa katunayan, aminado siya na naloloka sa pagpapalaki ng kanyang tatlong supling.

Andi has three kids, one of whom is by Jake Ejercito na si Ellie na sampung taong gulang na.

The two others are Koa and Lilo by surfing champion Philmar Alipayo.

Hindi itinago ni Andi na may mga pagkakataon na nababaliw siya.

Like any mother, she wants to be the best mom she can be.

At pag umaatake raw ang kanyang pagkabaliw, sinasabi na lang daw niya sa kanyang sarili na, “Ginusto mo ‘yan, eh…magdusa ka!”

Alam ng lahat na permanently settled na si Andi at ang kanyang pamilya sa Siargao island.

Nagtayo pa nga sila roon ng surfing school at snack bar.

Napilitan nga lang silang mamalagi sa Maynila sandali nang manalasa ang bagyong Odette.

Siargao life becomes Andi na mukhang hindi naman hinahanap-hanap ang showbiz.

Kaiba siya sa 57 anyos na inang si Jaclyn Jose na aktibo pa rin.

Jaclyn plays mom to Kylie Padilla in GMA’s sportserye Bolera.

On Kylie, gusto ni Jaclyn na maging anak ito sa totoong buhay dahil sa pagiging magalang nito.

Obyus na nangungulila si Jaclyn sa anak! Ronnie Carrasco III