Andre Yllana, bet maka-date si Awra!

Andre Yllana, bet maka-date si Awra!

March 24, 2022 @ 7:22 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Unlike other boys na asiwa sa mga beki, Andre Yllana is the exact opposite.

Sa exclusive interview sa kanya ng Pikapika YouTube channel, inamin ng anak nina Aiko Melendez at Jomari Yllana that back in high school, Andre made a lot of gay friends.

He came from an all boys school.

Pinakatotoong tao raw kasi ang mga beki.

Okey rin daw na may magkagusto rin sa kanya.

Sa tanong as to who he wants bilang date sa junior-senior prom ay okey lang daw na si Awra Briguela ‘yon.

Magkasama sina Andre at Awra sa The Seniors movie ng Viva Films.

Pero Andre is way past that high school event. Hindi nga raw niya naranasang um-attend ng prom dahil nga galing siya sa all boys’ school.

Buti naman at hindi homophobic si Andre, thanks to the world na iniikutan ng kanyang mga magulang which is predominantly gay.

Ang tanong: game din kayang magkaroon ng gay lover si Andre? Ronnie Carrasco III