Andrea at Francine, pinagsabong sa designer!

Andrea at Francine, pinagsabong sa designer!

December 3, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


Dubai, UAE – Ka-‘level na ni Andrea Brillantes ang mga top foreign celebrities sa larangan ng pananamit.

As we write this, nasa Dubai sa bansang United Arab Emirates ang aktres.

One of her activities there ay ang meet and greet sa kanyang mga tagahanga.

Newfound client din siya ng pamosong designer na si Michael Cinco.

Ilan sa mga binihisan na ni Michael Cinco bukod sa mga kandidata ng mga international beauty pageants ay sina Jennifer Lopez, Beyonce, Lady Gaga at marami pang iba.

Flattering ang comment ng designer sa paglalarawan kay Andrea bilang “very beautiful.”

As expected, biktima na naman ng unfair comparison ang itinuturing na rival niyang si Francine Diaz.

Kesyo wala raw itong binatbat sa paglele-level up ni Andrea.

Buti na lang, may mga dumepensa kay Francine.

Hindi naman daw ito magpapakabog as she has Michael Leyva who designs her clothes.

Si Leyva ang pinagkakatiwalaang designer ng mga celebrities tulad nina Kris Aquino, Kim Chiu and many others.

But come to think of it, pababaw na nang pababaw ang nililikhang kumpetisyon kina Andrea at Francine na nag-ugat lang naman kay Seth Fedelin.

Si Seth ang dating ka-loveteam ni Andrea na ang nobyo ngayon ay si Ricci Rivero.

Maanong pagsabungin na lang ang dalawa sa larangan ng kanilang achievements sa showbiz, hindi ba? Ronnie Carrasco III