Andrea Brillantes at Kitty Duterte, nagsagutan!

Andrea Brillantes at Kitty Duterte, nagsagutan!

May 12, 2022 @ 6:12 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Nag-viral ang sagutan nina Andrea Brillantes at Kitty Duterte, ang 18-year old daughter ni President Rodrigo, nu’ng Miyerkules nang gabi (May 11).

Nagsimula ‘yon sa pag-comment diumano ng batang aktres sa umano’y pagkukumpara sa kanya sa bunsong anak ng outgoing president.

Sabi raw ni Andrea: “Wag n’yo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences.”

Ipinost ‘yon nu’ng 6:55PM nu’ng Miyerkules.

Sumagot daw si Kitty pagkalipas lang ng dalawang minuto.

“True may bold ka, ako wala,” sagot daw niya.

Mabilis na sagot daw ni Andrea: “Okay lang na may bold, at least ‘di palamunin sa bahay”

Sa fake news na sagutan ng dalawa, umabot agad sa 578,000 ang nag-like sa original tweet ni Andrea. Nakatanggap din ito 42K na quote tweets, at 54K na retweets.

Ang sagot diumano ni Kitty ay nakatanggap ng 8.7K na likes, 5.4 na retweet, at 4.2K na reply.

Be vigilant. ‘Wag agad maniwala sa kumakalat na balita. Danny Vibas