Andrea, hindi pa sigurado sa Dyesebel!

Andrea, hindi pa sigurado sa Dyesebel!

February 21, 2023 @ 11:07 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Mas nauuna pa ang press release kesa sa what is sure will happen.

Ito ang scenario na kinakaharap ni Andrea Brillantes na hanggang ngayon pala’y hindi pa inaalok ng papel bilang Dyesebel sa kabila ng lunulutang na tsika.

“Hindi pa po,” paglilinaw ng aktres bagama’t ikinatutuwa raw niya ang mga natatanggap na feedback if ever the local mermaid role lands on her lap.

Ang Dyesebel ay karakter na likha ni Mars Ravelo.

Huling ginampanan ito ni Anne Curtis noong 2014.

Aprub naman kay Anne kung si Andrea ang napipisil ng ABS-CBN to portray the role.

Kabilang sa mga gumanap bilang Dyesebel ay sina Alice Dixon, Alma Moreno, Marian Rivera, Carmina Villaroel at Vilma Santos, among others.

Para kay Andrea, it would be an honor to be identified with the role.

In real life daw kasi ay mahilig siya sa dagat.

Naalala rin niya ang kanyang second audition where she was asked to play the part.

Kaya rin daw pala siya nag-artista ay dahil dream role niya ang gumanap bilang magandang sirena.

In case people don’t know, ang ina mismo ni Andrea ay isang mahusay na manlalangoy.

Nagsasanay rin si Andrea sa paglangoy in anticipation na sa kanya iaalok ang papel. Ronnie Carrasco III