Andrea, may hugot sa love and sacrifice!

Andrea, may hugot sa love and sacrifice!

October 12, 2022 @ 4:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Aminado ang magaling na veteran actress na si Andrea del Rosario na most challenging movie niya ang May-December-January.

Ang naturang pelikula ay tinatampukan nina Kych Minemoto at Gold Aceron at mula sa pamamahala ni Direk Mac Alejandre.

Showing na sa mga sinehan ngayong October 12 ang pelikula.

Ano ang aral na makukuha ng viewers sa pelikulang May-December-January? Sakripisyo ng isang ina para sa anak?

Pahayag ng orig member ng Viva Hotbabes, “When you love someone, anything you do for them is not a sacrifice because you are wholeheartedly and would gladly do anything for that person!

“So I don’t think its called a ‘sacrifice’. Mahirap man para sa isang ina ang pagpaparaya, pero mas fullfilling para sa mother kung alam mo that your child will be happy dahil sa gagawin mo.”

Nabanggit din ng aktres na ito ang pinaka-challenging role na nagampanan niya, so far,

“Yes, because akala mo nga napakasimple ng movie but actually, sa sobrang kasimplehan ay mas lalo siyang mahirap. Because it gets down to the very essence of the soul of the characters.

“Basically, may mga script na madaming embellishments to help us actors. Ito kasi raw, real… mahirap dayain and that’s a Ricky Lee script,” esplika pa ni Ms. Andrea.

Dagdag pa ng mahusay na aktres, “I always believe that there are no small roles, even if you only have one scene in a movie or a show, it’s important to make it a memorable one.

“I’m happy, I’ve been in the business for almost 30 years… I’ve been a lead several times, Lupe (Elwood Perez), Bugbog Sarado (Joel Lamangan), Rome and Juliet (Connie Macatuno), etcetera, There are a lot of actresses in the industry, but Boss Vic (del Rosario) chose me for the role. A lot of pressure, but happy to be given this rare opportunity.”

Ayon pa sa hot na hot pa ring aktres, nagpapasalamat siya na kahit may pandemic pa rin ay maraming offers ang dumarating sa kanya.

Lahad ni Ms. Andrea, “I feel very blessed and I am grateful. Actually even during the pandemic, I’ve had offers but had to turn it down. I just finished a soap opera-Love You Stranger sa GMA-7 and now doing a soap opera in ABS CBN.” Nonie Nicasio