Andrea, may int’l movie na!

Andrea, may int’l movie na!

October 21, 2022 @ 12:45 PM 2 months ago


Bangkok, Thailand – Unlike Liza Soberano who takes pride in doing a Hollywood film, hindi ganito ang level ng pagmamalaki ni Andrea Brillantes.

Pero masasabing malaking achievemt na rin ng sinumang local celebrity to be cast in an international film.

Such is the case of Andrea who stars in the movie shot in Thailand.

Magugulat daw ang publiko dahil most of the cast members ay mga kapwa rin niya Pinoy.

Ibinida pa ng aktres na hindi drama ang tema ng pelikula but a genre she has never done before.

Kung hindi drama, then what?

At para tuloy-tuloy ang pahulaan, ibinibitin na rin ni Andrea kung anong uri ng produkto ang nakatakda niyang i-launch sa darating na November.

Isa lang ang tiyak: siya mismo ang CEO o chief executive officer ng kumpanya which she set up herself.

Aniya, pangarap daw niya na magkaroon ng sariling negosyo.

Nagtataka naman ang mga netizen kung bakit kailangang isikreto ni Andrea ang mga ganap sa professional aspect ng buhay niya.

Ni pamagat man lang daw ng international movie niya ay ayaw niyang sabihin.

Paano raw makaka-generate ito ng interes sa publiko?

Pinromote lang din daw niya ito bilang non- drama, she should have gone all the way!

At ‘yung sinasabi niyang produkto which she is set to launch next month, beauty product ba ito o health-related?

Paano raw tatangkilikin ang produktong ‘yon if she’s keeping it under wraps?

Paintriga effect! Ronnie Carrasco III