Andrea, nagka-crush kay Paul!

Andrea, nagka-crush kay Paul!

September 29, 2022 @ 9:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nagkaroon na pala ng crush si Andrea Brillantes at the age of 4. At ito ay si Paul Salas. Sinabi niya ito sa isang interview sa kanya.

Kwento ni Andrea, nag-audition siya noon sa defunct series na Marimar na pinagbidahan ni Marian Rivera. Pero hindi raw siya nakuha.

Nakita naman daw siya ni Dingdong Dantes at kinuha siya para makasama sa wedding video ng kapatid nito.

Nandoon din daw si Paul. At nang makita niya ito ay nagka-crush na siya agad dito.

Ang young actor nga raw ang kanyang first ever crush na artista. At that time na 4 years old pa lang daw siya ay may crush na siya.

Pero gusto niyang iparating kay Paul na kung mapapanood daw nito ang interview niya ay hindi na niya ito crush.

At huwag daw itong feeling. Ha!Ha!Ha! Rommel Placente