Andrea, pinag-iingat na maging dalagang ina!

Andrea, pinag-iingat na maging dalagang ina!

June 9, 2022 @ 9:00 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Hindi  ikinakaila ni Andrea Brillantes na masaya siya sa relasyon nila ng basketball  player na si Ricci Rivero. Masaya siya na maraming sumusuporta sa kanilang relasyon.

“Masaya  ako  na sobrang excited  din kasi first time kong magkaroon ng boyfriend na mas matanda  sa akin, na basketball  player at  first time ko rin na magkaroon ng boyfriend  na out sa public,” pahayag ni Andrea sa isang interview.

Kahit maraming pabor sa kanilang relasyon ay mayroon ding bashers. Inamin din niya na may nararamdaman siyang takot.

“This time, hindi ko na talaga binabasa  ang mga comments kasi  I know  na maraming bitter, maraming may nasasabi sa relasyon, doon lang ako natatakot, kasi first  time ko nga `to na public  so, hindi ko pa alam  masyado i-handle.”

Payo kay Andrea ng netizens ay mag-ingat dahil bata pa siya at hindi makakasiguro na ang boyfriend ay tunay na magmamahal sa kanya.

Sa edad daw ni Andrea ay hindi maiaalis na maging mapusok ito at  sana raw ay hindi humantong sa pagiging dalagang ina. Gerry Ocampo