Andrea, sinugod si Francine sa dressing room!

Andrea, sinugod si Francine sa dressing room!

January 18, 2022 @ 8:37 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Napapaisip na ang fandom ng bawat kampo. Something’s really going on between Andrea Brillantes and Francine Diaz.

Matapos kasi ang pagpost ni Chin na kasama ng buong pamilya niya si Seth nu’ng New Year’s day, nag-ingay na ang fandom.

At doon na nga naglabasan ang balita na in-unfollow ni Blythe si Chin and vice versa.

Pero may bagong issue na naman na lumabas! Sinugod ni Andrea si Francine sa dressing room.

Wala lang lumabas na balita tungkol dito because they chose to keep it to themselves pero iba na this time dahil unti-unti nang lumalabas ang lahat.

Isiniwalat ito ng talent manager na si Ogie Diaz sa kaniyang latest showbiz update.

How true is this?

Isang reliable source ang tinuturo ng talent manager pero for sure, mas magiging malinaw kung magsasalita ang mga involved sa issue. Paula Jonabelle Ignacio