Andrea, susubok sa Hollywood!

Andrea, susubok sa Hollywood!

October 8, 2022 @ 3:56 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Determinado si Andrea del Rosario na makipagsapalaran sa Hollywood.

Baka raw mag-base siya sa Amerika in pursuit of her dream, pero uuwi rin daw ang Viva star if another good film assignment comes along.

“Another” because Andrea takes pride in playing the lead part in May, December, January.

Isang mapagmahal na ina ang papel na ginagampanan ni Andrea sa kuwento mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.

Bale ba, siya ang actress in mind ng direktor na si Mac Alejandre.

Proud si Andrea dahil not all actresses her age are given the opportunity to play the role of a mother who has a gay son.

Kuwento nga niya, na- realize daw niyang she has grown too many gray hairs.

Pero okey lang daw as she considers the project an early Christmas gift to herself.

Ang pelikulang ‘yon daw ang babaunin niya when she auditions in Hollywood in Chicago.

Siyempre, ipupursige niya ang pangarap niyang ‘yon para sa kanyang nag-iisang anak na babae.

For Andrea to say she stands a chance to be able to conquer Hollywood ay magsisilbing inspirasyon ‘yon sa ibang aktor who share the same dream.

Ikinumpara nga ni Andrea ang kanyang sarili kay Kate Winslet in the film The Reader.

Matagal nang aktres si Kate pero noong 2009 lang siya hinirang bilang Best Actress awardee sa Oscars.

Who knows, baka mas kasihan ng magandang kapalaran si Andrea sa Hollywood? Ronnie Carrasco III