Andrea, taklesa, nilait si Grae

Andrea, taklesa, nilait si Grae

September 28, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Don’t be surprised kung isa sa mga araw na ito’y ikabusog ni Andrea Brillantes ang pamba-bash sa kanya all because of her pagiging taklesa.

Sa Sagot o Lagot Challenge na pinakahuling pinagdaanan niya, Andrea minced no words sa pagsagot ng ilang katanungan.

Inamin niyang isa sa mga nagkaroon ng interes sa kanya ay si Grae Fernandez.

Nagkasama na sila sa isang teleserye pero ani Andrea, hindi raw sila gaanong nakapag-bond.

Asked kung ano sa tingin niya ang diperensya ng anak ni Mark Anthony, ‘yun daw ay dahil hindi sila pareho ng wavelength.

Sa madaling salita, Andrea was implying that she and Grae are not intellectually compatible.

Short of saying na hindi niya masakyan o nahihirapan siyang sakyan ito.

May ilan nang nag- react sa disimuladong panlalait ng aktres kay Grae.

Nasabi daw ba niya ito dahil ang nobyo niyang si Ricci Rivero ay nag-aaral sa UP?

At ‘pag sinabing estudyante ka ng isang state university ay nakakaangat ka compared to others?

Ano raw ba ang partikular na tinutukoy ni Andrea nang sabihin niyang she and Grae are not on the same wavelength?

Ganoon daw ba kataas ang standards ni Andrea when choosing a boyfriend?

Na pag hindi katalinuhan ang isang guy, wala nang karapatang magkaroon ng lovelife?

Paki-explain, Andrea. Ronnie Carrasco III