Andrew E, nagpaliwanag sa isyu ng 2 sports car!

Andrew E, nagpaliwanag sa isyu ng 2 sports car!

July 4, 2022 @ 10:16 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Hindi kaila sa publiko na isa sa mga malaking pinagkakakitaan ng mga celebrities ay ang election season lalo na sa pangangampanya.

Hindi tuloy nakaligtas ang rapper na si Andrew E na iniintrigang nakabili ng dalawang mamahaling sports car dahil sa pangangampanya nito sa Uniteam nina BBM at Sara Duterte.

Kagyat namang itinanggi ng rapper ang tsika.

Aniya, bagama’t siya raw ang naging pambatong performer sa mga campaign rally ng Uniteam ay hindi raw kalakihan ang kanyang talent fee kumpara sa ibang celebrities.

May mga nagtanggol naman kay Andrew E, saying na kahit hindi naman daw siya magtanghal sa mga rally ay can afford niyang bumili ng sports car.

Patunay raw ang kasagsagan ng pandemya, hindi naman daw siya pinadapa nito unlike other artists na sobrang naapektuhan ang income.

May mga naipundar naman daw si Andrew E, bukod sa ilang negosyong pinagkakaabalahan.

Not to mention din daw ang royalty na natatanggap niya mula sa kanyang mga kanta.

Sadya lang daw talagang low-key si Andrew E na simple magdala ng kanyang tagong yaman. Ronnie Carrasco III