Andrew Gan, hindi tinablan kay Krista Miller, manhid?

Andrew Gan, hindi tinablan kay Krista Miller, manhid?

March 8, 2023 @ 3:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Si Andrew Gan ang lead actor sa GL movie na Upuan, at ang lead actress naman ay sina Krista Miller at Nika Madrid na may relasyon sa pelikula. Mula ito sa direksyon ni Greg Colasito. Streaming na ito ngayon sa AQ Prime.

“Bale ako po si Sean sa pelikula, ‘yung husband ni Cristina played by Krista Miller. Ikinasal kami kahit hindi naman niya ako ganoon ka-love. Tapos may nangyari. Abangan na lang ‘yun sa pelikula,” kwento ni Andrew tungkol sa kanyang role sa Upuan.

Tinanong si Andrew ng kung sa totoong buhay ay may karelasyon siyang babae tapos ay nalaman niya na tomboy pala ito at may karelasyong kapwa babae, tatanggapin pa rin ba niya ito?

Ang sagot niya na natatawa, “Parang ang cute nu’n, ah.”

Patuloy niya, “Mas okey kesa lalaki. Baka ‘pag lalaki, hindi ko ma-take. Pero kapag babae, baka pwede pa.”

May lovescenes sa pelikula sina Andrew at Krista. Ayon kay Andrew, hindi siya tinablan sa maseselang eksena nila ni Krista.

“Ako kasi once na tinablan ka, parang for me, ano ‘yan..be professional. Parang hindi mo nirespeto ‘yung co-actor mo ‘pag tinablan ka.”

Ayon pa kay Andrew, bago nila gawin ni Krista ang lovescenes ay nag-usap muna silang dalawa.

“Actually siya kasi pagdating sa mga ganyang mga eksena, siya ‘yung beterana.

“So ako, parang frist time ko ‘yun. So nag-usap kami. Sabi ko, ‘Okey lang ba ‘yung ganito? Okey lang ba ‘yung ganyan? Hanggang saan ba?’

“Siya naman, ‘go lang! Ikaw ang bahala.’

“So, iba rin kapag pinagkatiwalaan ka ng co-actor mo. Talagang mas nagwo-work ‘yung eksena. Kung ano ‘yung binibigay mo, tinatanggap niya, and vice versa,” aniya pa. Rommel Placente