Andrew, hate na ang Pasko!

Andrew, hate na ang Pasko!

December 22, 2022 @ 3:26 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Sa mga oras na ito’y patuloy na naghihinagpis si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng kanyang asawang si Jho Rovero.

Pumanaw si Jho nitong December 20 na nagkataong kaarawan pa ng kanilang bunsong anak.

Excited pa namang kinunan ng video ni Andrew ang stay nila sa ospital bandang alas singko ng umaga.

Nakaiskedyul kasi siyang mag-taping para sa Family Feud ng araw na ‘yon, at pagkatapos daw ay babalik siya sa ospital para ipagdiwang nilang pamilya ang birthday ng bunso.

While at the GMA compound, nakatanggap ng tawag si Andrew mula sa doktor informing him na delikado na ang lagay ni Jho.

Pinayagan siya ng Family Feud production na huwag nang ituloy ang taping para asikasuhin ang asawa.

Inabutan ni Andrew na nire- revive si Jho sa ospital pero hindi rin ito umubra.

Nasabi tuloy ni Andrew na hate niya ang Pasko dahil kung kailan apat na araw na nga lang ay saka pa pumanaw si Jho.

Aniya, “I hate Christmas. I don’t think I will ever like it again.”

Matatandaang October noong isang taon nang tamaan ng severe hypoxia si Jho na sinundan ng cardiac arrest.

Isinugod siya sa St. Luke’s Medical Center BGC kung saan halos isang taon din siyang naka-confine.

October 7 ng kasalukuyang taon nang ma-discharge siya, but Jho was brought back a week later dahil tumaas ang sodium level nito na nagresulta sa pamamanas.

Naibalita rin ni Andrew sa Facebook na unti-unti na raw bumubuti ang kalagayan ng asawa.

Days before her death, pinakasalan ni Andrew si Jho kahit nakaratay ito sa ospital.

Love of my life. Best friend. My wife. Ilan lang ito sa mga tawag ni Andrew kay Jho hanggang malagutan ito ng hininga. Ronnie Carrasco III