Andrew, nagsori sa mga netizens!

Andrew, nagsori sa mga netizens!

November 12, 2022 @ 3:47 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Dapat sana’y nailipat na sa regular room sa ospital ang misis ni Andrew Schimmer.

Matatandaang muling ibinalik si Jho Rovero sa St. Luke’s BGC makaraang tumaas ang sodium level nito.

This was after exactly a week after she got discharged from the hospital where she had been confined for almost a year.

Ani Andrew, wala siyang choice kundi manatili sa ICU dahil nagkaproblema sa self-breathing ni Jho.

Dumedepende kasi ito sa air ventilator.

If it’s any consolation daw, wala na ang pamamanas ng kanyang misis.

Kasabay nito, Andrew took to social media at humingi ng paumanhin sa mga netizens.

Inirereklamo kasi ng mga ito ang palagi niyang pagiging emosyonal sa tuwing ibinabahagi niya sa Facebook live ang updates sa kalagayan ni Jho.

Depensa ni Andrew, “Kapag nakikita mong lumalaban ang mahal mo sa buhay, you can’t help but be emotional. I know you understand me.”

Patuloy pa ring inihihingi ni Andrew ng panalangin na bumuti ang kalagayan ni Jho. Ronnie Carrasco III